issue no. 1
bakla! narinig mo na ang balita? si ma’am calanzing may pinatawag na bubae sa office kasi raw may bubwit na nagtimbre sa nangyari doon sa Philippine Stock Exchange tour!
knowing mo ba yung eksena? kaloka kasi yung intern na nagre report samin ng mga kaeklatan ng PSE eh. biruin mong magalit matapos tanungin nung bubae kung ano meaning ng NASDAQ? hala naghuramentado ever ang feeling mataas na nilalang.
eto na ang revelation na hindi ko kineri! dapat PUP vs. UST ang sabunutan eh, kaso may isang PUPian na nag stand out and proud at kumembot. si character sa banal na kasulatan pero malaking tao ang tinutukoy ko ate!
wititit! hindi siya kampi sa kapwa niya PUPian! tarush! ginamit pa niya ang pagiging behave para daw madala ang sintang paaralan! magsama sila ng churvang taga UST na yon! haler? kahit dinudusta ka na ng ibang lahi tahimik pa rin?
hindi pa natapos ang pag eksena ni kuyang mataba ang utak! siya ang nag chismax kay ma’am calanzing na may warlalung naganap! hindi pa man napapagod sa pagpapasikat si haring araw, nag ring a ling na ang cellphone ni bubae! pinapatawag daw siya ng mga kinauukulan! hala!
kaloka lang itong si calanzing kasi hindi niya daw gustong marinig ang paliwanag ni bubae! wiz lang! misa ang peg niya teh! siya daw ang mesiah at ang tama sa lahat ng may tama! say pa niya na hindi na daw tatanggap ng iba pang side ng story ang malawak niyang utak kasi alam na niya ang buong kwento?!
kanino naman galing ang mga gawa gawang kaepalan na yan? edi sa chu chu niyang section na walang ginawa kundi magmagaling at magmalinis! gustong gustong grumadweyt kaya ang straw humahaba! tambay lang sa dome! keri lang. takot sila kay calanzing. nginig tuhod takbo sa ilalim ng palda agad ang mga ateng kapag sumigaw na si madam. ang saya! nakakaimbyerna!
nag sorry pa raw si bubae kay calanzing ayon sa source ko. pero sabi ng madam, huwag kang mag sorry dahil alam kong hindi mo gusto ang mag sorry. bonggels! muntik nang magkrayola si bubae buti na lang strong siya.
ay teh! kung sa PUP ka nag aaral at sa colehiyo ng mga echuserang focus ay pera ka napatapat, naku ingat ingat! hindi mo makekeri ang mga pangyayari at mangyayari.
mawiwindang ka na lang ang kalaban mo ay yung mga kafederasyon mo! tao vs. tao ang drama, PUPian vs. PUPian! talo talo yan huwag lang maapakan ang napakataas nilang mga ego! kailangan sila lang ang tama at tayo ang mali. wiz kang magagawa, hawak ka sa leeg! hindi ka gagraduate kung babanggain mo siya.
Mag-post ng isang Komento