Linggo, Agosto 23, 2020 sa ganap na 2:49 PM sinalpak ni tadong daniel 0 Comments

 Sana hindi na tayo bumalik sa normal. 


Sana pagkatapos nitong delubyo ni Duterte at ng COVID-19, gumising tayo sa mas magandang Pilipinas. 


Mas maayos at pangkalahatang kalusugan. Sana mabigyan na ng pagpapahalaga at mataas na sahod sa nars at doktor nang dito na sila maglingkod. 


Walang nakawan. Mga nakaupo sa pwesto, karapat-dapat silang nandoon. Hindi ‘yung binigyan ng pwesto dahil tumulong sa kanya? Hindi ‘yung dating heneral. Hindi ‘yung basta na lang ibigay ang posisyon. 


Sana wala nang mga mambabatas na mga tuta rin ng pangulo. Nakakapag-isip mag-isa. Tunay na humahalili sa kanyang nasasakupan. Tunay na kahanay ng maliliit na tao sa bansa. 


Malayo pa, Pilipinas. Hindi pa natin makikita ang tunay na liwanag. Hindi tayo nasisilaw dahil bulag tayo sa katotohanan. Sumisikat lang ang araw pero hindi pa rin tayo nagigising.. 


Nakakapagod. Kaya pa ba? 

0 Responses so far.

Mag-post ng isang Komento

    sino ka?

    Larawan Ko
    tadong daniel
    Manila, Philippines
    Balang araw. Mumurahin tayo ng mga halamang pinitas natin. Ang mga dahon nito ay magiging atin na lamang damit. Papatirin tayo ng bundok na iniwanan natin ng mga kinainan matapos nating maglibot sa tahanan niya. Makakainom tayo ng tubig ilog na ginawa natinng tapunan ng basura. Magiging tirahan natin ang pader kung saan tayo umiihi kahit ipinagbabawal. Ang lahat ng isinulat natin sa malinis na pader ay maililipat sa ating katawan, permanente. Maliligo tayo sa pinagtipon tipong mga laway na inilabas natin sa kalsada. Pupulutanin ng mga barkada ang mga upos ng sigarilyong ating ipinitik. Magiging sintigas tayo ng mga trosong walang habas na pinutol. Ngayon ay handa ka na sa pagbuka ng lupa. Lalamunin tayo nito. Gaganti na ang mga inapi. Hindi na sila papayag na habang panahon silang mananahimik. pero joke lang yan, mabait kasi si inang kalikasan. sige diretso lang. matulog ka ng mahimbing.
    Tingnan ang aking kumpletong profile