Biyernes, Marso 23, 2012 sa ganap na 8:21 PM sinalpak ni tadong daniel 0 Comments

issue no. 1
bakla! narinig mo na ang balita? si ma’am calanzing may pinatawag na bubae sa office kasi raw may bubwit na nagtimbre sa nangyari doon sa Philippine Stock Exchange tour!
knowing mo ba yung eksena? kaloka kasi yung intern na nagre report samin ng mga kaeklatan ng PSE eh. biruin mong magalit matapos tanungin nung bubae kung ano meaning ng NASDAQ? hala naghuramentado ever ang feeling mataas na nilalang. 
eto na ang revelation na hindi ko kineri! dapat PUP vs. UST ang sabunutan eh, kaso may isang PUPian na nag stand out and proud at kumembot. si character sa banal na kasulatan pero malaking tao ang tinutukoy ko ate!
wititit! hindi siya kampi sa kapwa niya PUPian! tarush! ginamit pa niya ang pagiging behave para daw madala ang sintang paaralan! magsama sila ng churvang taga UST na yon! haler? kahit dinudusta ka na ng ibang lahi tahimik pa rin? 
hindi pa natapos ang pag eksena ni kuyang mataba ang utak! siya ang nag chismax kay ma’am calanzing na may warlalung naganap! hindi pa man napapagod sa pagpapasikat si haring araw, nag ring a ling na ang cellphone ni bubae! pinapatawag daw siya ng mga kinauukulan! hala! 
kaloka lang itong si calanzing kasi hindi niya daw gustong marinig ang paliwanag ni bubae! wiz lang! misa ang peg niya teh! siya daw ang mesiah at ang tama sa lahat ng may tama! say pa niya na hindi na daw  tatanggap ng iba pang side ng story ang malawak niyang utak kasi alam na niya ang buong kwento?!
kanino naman galing ang mga gawa gawang kaepalan na yan? edi sa chu chu niyang section na walang ginawa kundi magmagaling at magmalinis! gustong gustong grumadweyt kaya ang straw humahaba! tambay lang sa dome! keri lang. takot sila kay calanzing. nginig tuhod takbo sa ilalim ng palda agad ang mga ateng kapag sumigaw na si madam. ang saya! nakakaimbyerna!
nag sorry pa raw si bubae kay calanzing ayon sa source ko. pero sabi ng madam, huwag kang mag sorry dahil alam kong hindi mo gusto ang mag sorry. bonggels! muntik nang magkrayola si bubae buti na lang strong siya. 
ay teh! kung sa PUP ka nag aaral at sa colehiyo ng mga echuserang focus ay pera ka napatapat, naku ingat ingat! hindi mo makekeri ang mga pangyayari at mangyayari.
mawiwindang ka na lang ang kalaban mo ay yung mga kafederasyon mo! tao vs. tao ang drama, PUPian vs. PUPian! talo talo yan huwag lang maapakan ang napakataas nilang mga ego! kailangan sila lang ang tama at tayo ang mali. wiz kang magagawa, hawak ka sa leeg! hindi ka gagraduate kung babanggain mo siya.

Linggo, Marso 4, 2012 sa ganap na 3:27 PM sinalpak ni tadong daniel 0 Comments

wala akong ideya sa kung anumang proyektong pabahay ang nais mong gawin sa pilipinas. hindi ko rin alam kung sino ang nagbubuyo sayo sa lahat ng mga desisyon mo ngayong pangulo ka na ng Pilipinas. tangina niyo po at sumalangit nawa siya. 
malamang hindi niyo ko kilala dahil malamang wala kang pakialam dahil malamang pagsapit ng alas singko ng hapon ay tapos na rin ang pagiging presidente mo. puso o masa? wag ka nang sumagot, alam kong mas mahalaga sayo ang patunayang may asim ka pa.
magpapakilala na ko. ako si daniel, tunay na pangalan. nakatira sa sta.ana tenement building, tunay ko ring tahanan. tenement? tenement? hindi ba kumakagat sa tainga mo kapag naririnig mo ang tenement? alam mo ba ang nangyayari doon sa lugar namin? doon sa mga tinuturing mong boss? 
pinapaalis na pala kami ng national housing authority sa tenement. ewan ba. condemned na daw ang building. kesyo mahigit 40 taon na tong nakatayo. kesyo marami nang bitak. kesyo nalaman nila na pwede itong gawing pagkakitaan. papaalisin nila ang mga tao rito upang ikumpuni ang mga bitak, at papatirahan sa ibang mga tao na may malaking renta. 
matagal nang isyu to eh. pero ngayon mukhang pursigido na ang NHA sa pagpapaalis sa mga kapitbahayan ko. biruin mo, paaalisin kami sa isang maayos na bahay at palilipatin sa isang malaprobinsyang dulo ng bulacan? kaming mga nakatira sa tenement ay mga tax payers, nagbabayad  ng ilaw at tubig. tatay ko OFW at kuya ko manggagawa na rin.
nabubuhay kaming marangal. hindi kami parang mga salot lamang na pagtatabuyan sa isang maayos na lugar. responsibilidad ng estado na bigyan ang kaniyang mamamayan ng maayos na lipunang titirhan at gagalawin. pero mukhang baligtad ata ang nangyayari? 
maraming mga nakatira sa kalsada, kariton, ilalim ng tulay, illegal settlers. bakit hindi sila ang pagbigyan niyo ng sariling bahay? kasi hindi nila kayang bayaran ang renta sa lugar na yon? hahayaan na lang silang naroroon? bakit hindi sila bigyan ng aral tungkol sa pagiging entrepreneur para makapagsarili silang mamuhay? 
bakit kaming mga nananahimik at marangal na nabubuhay dito ang hinihila niyo patungo sa ewan na daan na sinasabi mo. tanung niyo sir kay Binay kung anung balak niyang gawin sa buong kamaynilaan. may hidwaan pa rin kayo? tsk. hindi na nakalimot mga aquino ah. balita kasi na gusto niya umanong mapuno ng condominium ang paligid tulad ng Makati. wala ng mga bahay bahay sa tabi tabi. building lahat. ganito kami sa Makati at buong Maynila.
balik tayo. kung saan saan tayo tumitingin at bumabaling. kung anu anong problema ang ginagawa natin upang magkaroon ng solusyon. hindi muna linisin ang mga tunay na problema ng bansa. nangangalingasaw pa rin ang karumihan ng korapsyon, mga TRAPO, mga epal na pulitiko. 
sa abril na pala kami lilipat. hindi ako magmamakaawa sayo. kikilos ang mga namumuno namin. maliit lang ang sweldo nila halos wala pa pero ramdam namin ang paggalaw. hindi kami pwedeng umasa sa tuwid na daan mong iba ang tinatahak.
wala kang bayag. tulad ka nila na ang tanging ginawa ay magpasikat at magpaganda ng pangalan. nais lamang iangat ang pamilya aquino at cojuanco. tangina mo po at sumalangit nawa siya.

    sino ka?

    Larawan Ko
    tadong daniel
    Manila, Philippines
    Balang araw. Mumurahin tayo ng mga halamang pinitas natin. Ang mga dahon nito ay magiging atin na lamang damit. Papatirin tayo ng bundok na iniwanan natin ng mga kinainan matapos nating maglibot sa tahanan niya. Makakainom tayo ng tubig ilog na ginawa natinng tapunan ng basura. Magiging tirahan natin ang pader kung saan tayo umiihi kahit ipinagbabawal. Ang lahat ng isinulat natin sa malinis na pader ay maililipat sa ating katawan, permanente. Maliligo tayo sa pinagtipon tipong mga laway na inilabas natin sa kalsada. Pupulutanin ng mga barkada ang mga upos ng sigarilyong ating ipinitik. Magiging sintigas tayo ng mga trosong walang habas na pinutol. Ngayon ay handa ka na sa pagbuka ng lupa. Lalamunin tayo nito. Gaganti na ang mga inapi. Hindi na sila papayag na habang panahon silang mananahimik. pero joke lang yan, mabait kasi si inang kalikasan. sige diretso lang. matulog ka ng mahimbing.
    Tingnan ang aking kumpletong profile