“wag mo silang pakinggan, anak. Ikaw ang mas may kilala sa sarili mo. Nakabibingi ang kanilang mga tinig, nakapanliliit ang kanilang mga tingin, ngunit nasa sa iyo kung papapasukin mo ang kanilang mga himig sa iyong puso.”
Malalim ang mga binitiwang salita ni aling tetang sa kaniyang anak na papaalis ng bahay upang mag apply ng trabaho. Malugod itong tinanggap ni Alfaro, alam na alam niya ang ibig ipahiwatig ng kanyang ina.
ang gara lang ng kaniyang suot noong araw na iyon, bumagay sa kaniyang tikas. 25 anyos na si Alfaro, kumbaga sa prutas, hinog na at maaari nang isabak sa paglalako. Sa totoo nga lang eh nasobrahan na sa pagpe preserve sa kanya. Matagal tagal din kasi siyang napahinga sa trabaho. 21 anyos siya noong huli niyang pagbabatak sa isang kumpanya sa Ortigas.
“ma, gagalingan ko po sa interview.” dala ang ngiti sa labi, binagtas ni Alfaro ang daan patungo sa Makati . Ngunit hindi mawala sa isip niya ang mga tinuran ng kaniyang ina. Hindi niya maitatanggi na ang mga tao ay puno ng puna sa kanilang kapwa. Mga mata nila ay mas matulis pa sa kanilang dila kung nakakapagsalita lang ang mga ito.
“hayyy..” nasa harap na si Alfaro ng gate ng kaniyang future company. Dala dala niya ang mga credentials at kung ano pa mang kailangan ng kumpanya. Diretso siya sa sinabing kwarto ng kausap niya sa cellphone. tinakpan na lang ni Alfaro ng ngiti ang kaniyang takot at lungkot na gumugulo kanina pa sa kanyang isipan. Kumatok. Pumasok siya sa opisina, pinaupo. Umpisa na ng laban.
“good morning ma’am, I’m Alfaro Paustino, from Manila . Graduate of business administration at university of the east. blah blah”
“I can see here that you are unemployed for 4 or 5 years.”
“I think, ma’am my reason is too personal. But since you asked, then I’ll let you know.”
Halatang hindi inaasahan ng interviewer ang paglalantad na sinabi ni Alfaro. Nauutal utal na siya sa kaniyang mga sumunod na pagtatanong. Gamonggo na rin ang pawis nito, mukhang kinakabahan kaya pilit na tinapos na lang ang pakikipag usap.
“so mr. Alfaro, our company will phone you in a week, just wait. Thank you.” Alam na ni Alfaro ang pawang mga sinabi ng kausap sa kaniya. Tanggap na niya ito bago pa man lumabas ng kulungan. Kinundisyon na niya ang sarili niya na pang construction worker lang ang nababagay sa mga katulad niyang ex convict. Sanay na rin siya sa ganitong diskriminasyon. Kahit sa kulungan, kaiba ang trato sa mahihirap at sa mayayaman. Nilisan niya ang gusali na may positibong pananaw, inisip na lang niya na kawalan siya ng kumpanyang iyon. Madami pang mas magaganda at mas makataong mga kumpanya sa tabi tabi.
1, 2, 3 pudpod na ang swelas ng kaniyang sapatos hindi pa rin niya nahahanap ang matamis na oo ng bawat inaaplayan. Parang paghahanap lang ng girlfriend, dahil sa background niya, walang tumatangap ng kaniyang alok. Si aling tetang na lang ang tanging yumayakap sa kaniya sa bawat pag uwi niyang luhaan. Nanay na lang nya ang nakakaintindi sa kaniya, ang tumatanggap sa kaniya ng buong buo. Maraming tao sa paligid ang nakamasid sa mga kilos ni Alfaro. kahit mga dati niyang mga kaibigan, hindi na niya makasama pang mag inuman o kahit makakwentuhan man lang.
Nakalaya nga siya sa rehas ng kulungan. Hindi naman magawa ni Alfaro’ng makalayas sa pangungutya ng mga tao. isang taon na ang nakalipas matapos pawalang sala si Alfaro. Hindi napatunayan na pinatay niya ang kaniyang kasintahan. limang taong pinagbayaran ang pagkakasalang hindi naman niya ginawa. Mabagal ang hustisya, ngunit hindi niya ito ininda, mahalaga ay ang pag alis sa bangungot na lugar na iyon.
Sa labas ng kulungan ay kulungan din. Mas malupit ang kulungan sa labas, at yan ang hindi inaasahan ni Alfaro. Kailanman hindi na magiging malinis ang tingin ng mga tao sa kaniyang imahe. Tila isa siyang papel na kinulumos kahapon, kahit anong plantsa dito, hindi na maaari pang maging tila bago muli.an man lang.
Nakalaya nga siya sa rehas ng kulungan. Hindi naman magawa ni Alfaro’ng makalayas sa pangungutya ng mga tao. isang taon na ang nakalipas matapos pawalang sala si Alfaro. Hindi napatunayan na pinatay niya ang kaniyang kasintahan. limang taong pinagbayaran ang pagkakasalang hindi naman niya ginawa. Mabagal ang hustisya, ngunit hindi niya ito ininda, mahalaga ay ang pag alis sa bangungot na lugar na iyon.
Sa labas ng kulungan ay kulungan din. Mas malupit ang kulungan sa labas, at yan ang hindi inaasahan ni Alfaro. Kailanman hindi na magiging malinis ang tingin ng mga tao sa kaniyang imahe. Tila isa siyang papel na kinulumos kahapon, kahit anong plantsa dito, hindi na maaari pang maging tila bago muli.
Naluha ako sa kwentong ito. Isang napakasakit na katotohanan sa mga taong gusto nang magbago.
isa pa sa palatandaan na hindi na pinahihintulutan ng lipunan ang pagbabago ng ating mga dating bilanggo ay ang NBI clearance na kailangan bago pa man tayo makapasok sa kompanya. tsk. nakakalungkot lang.