lumilipad, nasaan itong isip?
nadapo, dinadala ng ihip
nitong hangin pilit humihirit
paparoon, nawawala sa silid.
bakit kailangan pilitin?sentido ‘wag nang pigainpagod na, tara na’t limutindalhin kahit saan papangarapin
adobong ulam sa bahay nakahain
lalamunan pahapyawan ng inumin
pakiusap pagbigyan na natin
nagngangalit na’t baka sikmurain
lalanghapin ng libre ang pekeng hangintitingin sa mga nagmamahalang bilihingusali ito ng mga sosyaling taooh, bakit ba napayagang dumayo?
mga fish kalalansa
feeling matalino ambisyosa
matuto ng ibang lengwahe
taas forehead mag-walk sa kalye
sa bayang hindi maalamimbitado’y kakaunti lamanghindi mawari daming kayabangantakip mukha ako’y nabibilang
ay! nagising na ang diwa
paglalakbay naudlot nang bigla
pinitik ng katabi, nangiti
natapos na pala ang klase.
Mag-post ng isang Komento