Sabado, Enero 28, 2012 sa ganap na 5:56 PM sinalpak ni tadong daniel 0 Comments

August 15, 1991, pinanganak ang isang batang nagngangalang tadongdaniel sa maynila. Malaki ang ulo nito ngunit hindi tulad ni Rizal na sinabihan ng pareng nagbinyag sa kaniya na “pangalagaan niyo ang batang ito dahil balang araw ay magiging dakila ito”

bata pa lang siya ay hinuhusgaan na siya sa kaniyang pagkatao dahilan na siguro sa kaniyang pangalan. Pambabae umano ito. sanay na siya dito kaya minsan pabiro na lang nitong sinisisi ang doctor na nagpaanak sa nanay nya, “mali kasi ng spelling ng pangalan ko un mokong na doc ng mama ko eh”

senior student sya ngayon sa PUP sa kursong Bachelor in Banking and Finance. Hoping and praying na grumaweyt ngayong school year. Very positive na tao si Daniel. Ngunit hindi nito maiwasang sumimangot sa oras na hindi mangyari ang kaniyang mga ideas o atleast, mapakinggan man lang ito.

noong hayskul siya natutong magsulat, journalism ang subject na pinili niya sa halip na TLE. Mas masarap kasi ang magsulat kaysa sa pamumukpok. Mas masarap makita ang mga sinulat kaysa sa mga dusta mula sa linagare mong mga kahoy. Napasabak na din siya sa mga contest kaugnay ng pagsusulat, editorial writing sa katunayan. Pero hindi siya kailanman nanalo mula dito. Natatawa na lang siya tuwing naaalala niya yaong topic na binigay sa kanila nung araw ng contest, ang pagbubuntis ni kris kasabay ng kontrobersiya na nangyayari kay james yap ukol sa pambababa nito. Wow!

Lahat ata ng sports napag try out an niya noong sya pa ay nasa elementary at hayskul pero ni isa wala siyang naging bisyo dito. Kahit ang DotA noong hindi pa ito sikat ay sinubukan na niya itong laruin. (sports daw yan haha) sayang lang sa pera eh!

Galling lang sa typical na pamilya si Daniel, economics speaking, kaya nais niyang ang bawat pagbitaw nya ng sentabos mula sa kaniyang magulang ay maging kapakipakinabang. Minsan na din siyang binansagan ng kaniyang mga kaibigan na kuripot. Sa mga galaan, hanap niya ay laging libreng pamasahe mula sa nagyaya sa kaniya. Kapag hindi nakamit ang kaniyang kondisyon, bye gala! kapal ng muka niya.

Ayaw niyang malungkot ang mga tao sa kaniyang paligid. Kaya kapag dramahan ang nagaganap ay pilit siyang humahanap ng banat upang gumaan ng loob nito. Kung siya naman ang may problema, mas pinipili nitong tumahimik at hayaan na lamang ang iba ang makapansin. Matagumpay siya dito, dahil ni minsan hindi nila nahalatang malungkot si Daniel. Suot niya lagi ang kaniyang maskerang nakangiti. Sanayan lang naman yan.

Dati sa tumblr ay parang kalat lang ang nakikita niya. Kapatid niya ang unang nakadiskubre dito. Puro scroll lang ginagawa at mga pictures ngmga artista, nature at pagkain ang tangi niyang napapansin kaya kadalasan ang panlalait niya sa mga blog site na to. Nagdadalawang isip siyang sumali dito ngunit dahil na din sa peer pressure, haha, ay nagawa niyang gumawa account, eto siya ngayon, prinapractice ang tamang tipa sa keyboard, sinasanay ang puso sa mga nakikitang pagbabago, anu daw?, at hinahasa ang isipan sa mga probabilidad ng pagkatuto.

Kung naghahanap ng pag unlad, lumabas ng bahay. Hanapin ang tunay na magpapaligaya ng walang pagkatakot. Tanging pagtanggap, kahit puno ng pagdududa. Sa lahat ng daraanan, kahit maliit man ito ay paniguradong may mapupulot na aral.

0 Responses so far.

Mag-post ng isang Komento

    sino ka?

    Larawan Ko
    tadong daniel
    Manila, Philippines
    Balang araw. Mumurahin tayo ng mga halamang pinitas natin. Ang mga dahon nito ay magiging atin na lamang damit. Papatirin tayo ng bundok na iniwanan natin ng mga kinainan matapos nating maglibot sa tahanan niya. Makakainom tayo ng tubig ilog na ginawa natinng tapunan ng basura. Magiging tirahan natin ang pader kung saan tayo umiihi kahit ipinagbabawal. Ang lahat ng isinulat natin sa malinis na pader ay maililipat sa ating katawan, permanente. Maliligo tayo sa pinagtipon tipong mga laway na inilabas natin sa kalsada. Pupulutanin ng mga barkada ang mga upos ng sigarilyong ating ipinitik. Magiging sintigas tayo ng mga trosong walang habas na pinutol. Ngayon ay handa ka na sa pagbuka ng lupa. Lalamunin tayo nito. Gaganti na ang mga inapi. Hindi na sila papayag na habang panahon silang mananahimik. pero joke lang yan, mabait kasi si inang kalikasan. sige diretso lang. matulog ka ng mahimbing.
    Tingnan ang aking kumpletong profile