makulit na inusig ni albert ang driver ng kanilang patrol cab upang bilisan nito ang pagpapatakbo patungo sa may hostage taking sa maynila. mahirap na baka matapos na ang aksyon samantalang sila ay bumabyahe pa lang. hala kuya, nagla live na yung kabilang station don.
batikan si albert sa field reporting. halos isang taon na niya itong gawi mula noong malipat siya sa isang dambuhalang istasyon. bagama’t nakakapagod an tumakbo kung saan saan ay nakakayanan pa rin ni albert makapaghatid ng mga impormasyong nais ng mga manunuod. may mga araw na paparoon siya sa sta. mesa, maya maya nama’y tatawag ang kontak niya sa isang lugar sa caloocan, o di kaya pinatawag siya upang mag update ng weather sa PAG ASA. malawak kasi ang beat na ibinigay sa kanya ng boss ng news and current affairs.
bukod sa makita ang mukha niya sa tv ay matagal nang pinapangarap ni albert ang maging reporter at commentarist sa tv man o sa radyo. dahil baguhan sa industriya, kailangan niyang magtiis at magpasikat sa mga nakatataas. lalo pa noong naupo siya sa isang talk ni ted failon, mas naging pursigido siya sa pagtatrabaho. lagare na ang ginagawa nito. wala na siyang pinapatawad maging ang mga balitang halos hindi naman qualified sa balita.
isang kambing sa batangas, lima ang paa at walang balbas… ako si albert pumapalo sa pagpapatrol. matapos ang kaniyang live feed sa kambing ay nakatanggap siya kaagad ng tawag mula sa kaniyang ina. kinukwestiyon nito ang unti unting pagkawala ng sense sa mga nilalahad sa harap ng telebisyon.pero ma, kailangan malaman ng tao ang mga nangyayari sa paligid nila. maliliit man o malalaki. sikat man o hindi. ang makapagbigay ng information ang trabaho ko.
unang unang nakalagay nakalagay sa
journalism’s code of ethics sa Pilipinas na
”I shall scrupulously report and interpret the news, taking care not to suppress essential facts or to distort the truth by omission or improper emphasis. I recognise the duty to air the other side and the duty to correct substantive errors promptly.” kaya ito na rin ang pinanghahawakan ni albert sa tuwing nahihirapang isakatuparan ang misyong kinabibilangan ng kompanya. naglilingkod umano kahit nasa sulok ng mundo.
ma, baba ko na ‘to ah? iidlip lang ako sandali habang wala pang nangyayaring pwedeng ibalita. matinik pa sa trained dog ang pang amoy ni albert pagdating sa paghahanap ng mga balita. nakakalimang labas din siya kung minsan sa magdamag kapag nagkataong maraming krimen ang naabutan. raid ng mga namemeke ng dvd, rape, patayan, salvage at kung anu ano pang mga balita. halos wala na siyang pinili.
isang araw napatakbo si albert sa isang condo sa ortigas, napabalita sa kaniya na may pamilyang malapit nang maghiwalay. nag aaway dahil sa nawawalang wedding ring. first time magkaroon ng exclusive report si albert kaya tulo laway itong pumindot sa elevator paakyat, nanginginig pa. hinanda na rin ni albert ang kaniyang 3G na phone para kung sakaling hindi makahabol ang crew ay siya na lang ang kukuha ng footage.
pagkalapag pa lang sa 5th floor ay dali daling pumunta si albert sa may pwestong may mga nag iiyakan. rinig ito dahil tahimik sa building at ito lang ang gumagawa ng ingay. in-on ang cellphone, tinutok muna niya sa sarili, nagbitaw ng kaunting spiel patungkol sa nangyayari sa lugar kung nasaan siya. matapos nito ay hinarap niya ang cam sa lalake.
sir ang dahilang ba ng pagkawala ng singsing kasi naiwan niyo yon sa bahay ng babae niyo? totoo po ba? hindi siya pinansin ng lalake, sa halip ay tumingin muli sa kasamang babae. huminahon ang boses ng lalake. kinausap ang babae, tila ayaw lumala ang problema kahit alam niyang bukas na bukas din, lalabas ito sa telebisyon.
bukas tayo mag usap. pakiusap nito sa babaeng kasama. saka humarap kay albert suot suot ang mukhang tila nang aasar. sinasabi ng hitsura nya na walang mahihita ang reporter sa kanilang dalawa. ma’am sa tingin nyo po may babae si sir? ilang beses niyo na tong nahuli? isang hagulgol ang isinagot ng babae kay albert. malaman. nakakita si albert ng opening mula sa nakitang eksena.
ilang taon na po kayong nagsasama? susog pa nito sa babaeng walang tigil sa pag iyak. mapapansin sa babae ang lubos nitong pagkabata sa lalakeng kasama. alam po ba ng mga anak ninyo ang nangyayari?
anong bang gusto mong mangyari? magkapatid kami! sinanla niya yung singsing ng mama namin. ngayon hinahanap na yon ng mama! 50/50 siya ngayon! gusto mo ng balita? gusto mo? akmang tatayo ang babae at pupunta sa kusina. kumuha ng kutsilyo. tumawag ka ng ibang reporter! bukas ikaw na ang ibabalita nila!
napaatras nalang si albert sa kanyang mga narinig na rebelasyon. hindi niya inasahan ang mga sumunod na mga nangyari. umalis ka dito! huling sigaw ng babae bago pa kumaripas ng takbo itong si albert. gusto niyang batukan ang sarili sa katangahang nagawa niya sa ngalan ng trabaho.
ano bang nangyayari? tanong nito sa sarili. pumitik sa isip niya ang sinabi ng kaniyang ina kamakailan lang. naiinis siya sa sarili niya dahil hinayaan niyang trabahuhin siya ng kaniyang trabaho sa halip na siya ang trumabaho rito.
umuwi siya sa kanilang bahay, nagkulong sa kwarto. gusto niyang hanapin ang sarili. ang dating albert na tuwang tuwa kahit na isang labas lang ang report niya sa telebisyon. babalik na siya. gusto niyang muling maging produktibo. magkaroon ng sense.
naisip niyang basahin ang credo ng journalism. basahin muli ito. isabuhay. sa pangalawang numero pa lang nito ay napatigil na siya sa kanyang nakita. malamang ito ang nakalimutan niya. sa pag papatuloy nakita niya ang pang apat sa credo.