Miyerkules, Hulyo 29, 2020 sa ganap na 11:19 PM sinalpak ni tadong daniel 0 Comments

(mula sa sanaysay na ‘Tungkol sa katamaran ng mga Pilipino’ NI JOSE RIZAL)


natapos na ang lahat,
hindi nagawa ang sapat.
Kahit anong pilit,
Nakakatamad!

Tulad ng marami,
Gaya ng sinasabi.
Ang hirap ng ganito,
Nakakatamad!

Bigyan mu man ng maraming butil,
Sagana man sa pangangailangan,
Kulang pa rin ito sa hiling ng katawan,
Na nais ng kapahingahan at karausan.

Kakainin na sana ang pinaghirapan,
Eh, nakalatag sa mesa kulang pa sa dalawahan.
Kayo nama’y busog na busog ang kalamnan,
Wala pang bahid ng putik ang paanan.

‘Kaw na may ngiti, may payong at tagapaypay,
‘Kaw na malusog, makapal ang bulsa.
‘kaw na biglang sumulpot pagkatapos ng dusa,
Sa araw na galit, ligtas ka sa latay.

Kanino nga pla itong lupang sakahan?
Pagmulat ng ninuno’y lupa’y nariyan.
Ngayon, ikaw diyan nakatapak, pinaglilingkuran,
Amin ito, lupa’y sa amin, sinasakay sa’min!

Sino nga ba sa atin ang tunay na tamad?
Ikaw na biglang dumating nung handa na ang hapag?
oh, ako na maghapong nakayuko makapaghanda lang ng mailalatag?
Nawa’y ang katotohanan ay hindi bumaliktad.


‘SA SALA NG BAHAY’
SETYEMBRE 27, 2009


Hindi ako makapaniwalang sinulat ko ‘yan. Haha. 

0 Responses so far.

Mag-post ng isang Komento

    sino ka?

    Larawan Ko
    tadong daniel
    Manila, Philippines
    Balang araw. Mumurahin tayo ng mga halamang pinitas natin. Ang mga dahon nito ay magiging atin na lamang damit. Papatirin tayo ng bundok na iniwanan natin ng mga kinainan matapos nating maglibot sa tahanan niya. Makakainom tayo ng tubig ilog na ginawa natinng tapunan ng basura. Magiging tirahan natin ang pader kung saan tayo umiihi kahit ipinagbabawal. Ang lahat ng isinulat natin sa malinis na pader ay maililipat sa ating katawan, permanente. Maliligo tayo sa pinagtipon tipong mga laway na inilabas natin sa kalsada. Pupulutanin ng mga barkada ang mga upos ng sigarilyong ating ipinitik. Magiging sintigas tayo ng mga trosong walang habas na pinutol. Ngayon ay handa ka na sa pagbuka ng lupa. Lalamunin tayo nito. Gaganti na ang mga inapi. Hindi na sila papayag na habang panahon silang mananahimik. pero joke lang yan, mabait kasi si inang kalikasan. sige diretso lang. matulog ka ng mahimbing.
    Tingnan ang aking kumpletong profile