Lunes, Mayo 27, 2019 sa ganap na 3:01 PM sinalpak ni tadong daniel 0 Comments


 Ngayong kislap mo’y pundi na, hindi na kayang magpatuloy, nais naming malaman mong higit ka pa sa maliliit na pailaw na aandap-andap sa isang sulok ng bahay. Isa kang sinag sa bawat araw at maging sa iyong paglubog, kami ay babangon upang silayan at gunitain ang naiwan mong init sa aming buhay. Mananatili at gagabayan kami ng iyong mga aral. Mahal na mahal ka namin.

Lunes, Mayo 20, 2019 sa ganap na 7:02 PM sinalpak ni tadong daniel 0 Comments

Sino magdedesisyon kung kailan pwede na? 

Handa ka na bang tapusin? Kumawala sa himpapawid at yakapin ang ginhawa? Paano masasabing hihinto ang lahat ng sakit gayong lahat ng nawala ay hindi bumalik upang patunayan ang kasarapan ng katapusan? 

Sa isang liver cancer patient, stage 4, matagal na nyang gustong itigil. Tinanggap na ang kahihinantnan ng buhay. Nakapaghabilin na. Marahil ay niyakap na rin ang parating na sandaling wala nang sakit. Hihinto na ang mga maiingay na makina sa paligid. Makatutulog nang mahimbing.

Ngunit para sa mga nagmamahal sa kanya’y tuloy pa rin ang laban. Kahit hirap nang huminga. Kahit pagsulat na lang ang tanging komunikasyon. Tubo na lang din ang suportang hangin. Kumakapit pa rin ang asawa. Araw araw, lumiliit ang tyansa, humahaba lang ang pighati. 

Masakit. Wala bang nakaramdam sa matang pinuno na ng lungkot? Nangungusap. Mga luha’y humihiyaw. Tama na. 

Home. Uwi. Huling hiling bago mawala. Makarating sa bahay kung saan walang tubo sa bibig. Walang karayum na humahanap ng ugat. Sa lugar kung saan nandoon ang pamilyar na lambot ng unan at kamang naghihintay ng katawang binugbog ng napakaraming pagsubok.

Tuldok na lang ang kulang. Ito na ba ang katapusan?


Sino ang hihila ng tubo?

    sino ka?

    Larawan Ko
    tadong daniel
    Manila, Philippines
    Balang araw. Mumurahin tayo ng mga halamang pinitas natin. Ang mga dahon nito ay magiging atin na lamang damit. Papatirin tayo ng bundok na iniwanan natin ng mga kinainan matapos nating maglibot sa tahanan niya. Makakainom tayo ng tubig ilog na ginawa natinng tapunan ng basura. Magiging tirahan natin ang pader kung saan tayo umiihi kahit ipinagbabawal. Ang lahat ng isinulat natin sa malinis na pader ay maililipat sa ating katawan, permanente. Maliligo tayo sa pinagtipon tipong mga laway na inilabas natin sa kalsada. Pupulutanin ng mga barkada ang mga upos ng sigarilyong ating ipinitik. Magiging sintigas tayo ng mga trosong walang habas na pinutol. Ngayon ay handa ka na sa pagbuka ng lupa. Lalamunin tayo nito. Gaganti na ang mga inapi. Hindi na sila papayag na habang panahon silang mananahimik. pero joke lang yan, mabait kasi si inang kalikasan. sige diretso lang. matulog ka ng mahimbing.
    Tingnan ang aking kumpletong profile