Alam mo ba ang pangyayari sa ating buhay na mahirap hulaan? Sigurado itong magaganap sa kahit kanino ngunit wala namang nakaaalam kung kailan sasapit. Marami ang nag-aantay. Marami rin ang umiiwas. Ang ilan pa nga ay naghahanda pero wala ni isa ang nakapagpaalam ng sapat.
Lumabas tayo ng bahay, sa paligid naglilipana ang napakaraming disgrasya. Iniwasan ang papasalubong na bisikleta, nakaligtaan namang sa kalsada’y punung puno ng nagmamadaling motorsiklo. Huling pag-uusap ng mahal sa buhay umaga sa hapagkainan. Aalis na ako, ang huling sabi.
Kahit sa loob mismo ng tahanan, kung mapagpasyahang magkulong maghapon upang takasa ang kinatatakutang huling hantungan. Sa balita naman ilang buwan na ang nakalilipas ay bumulagta na lang ang isang batang babae dahil sa ligaw na bala. Dumaplis sa utak ng inosenteng bata kaya hindi na nakayanang lumaban. Walang kaway ng pagpapaalam. Walang halik sa mga minamahal.
Maging ang katawan natin ay hindi na mapagkakatiwalaan. May isang binatang naligo hapon pagkauwi ng bahay upang maibsan ang nararamdamang init at pagkahapo. Maya maya ay nakita na lang siyang humandusay sa sahig. Balita ay may pumutok na ugat sa kanyang utak.
Iba’t iba ng dahilan. Pare-parehas ng kahihinatnan.
Mahirap tantyahin kung kailan ang oras. Hindi kailanman mapaghahandaan ang pagkawala. Kahit ang maiiwang mga mahal sa buhay ay hindi magiging buo ang loob sa pagpapaalam. Mahirap ipaliwanag ang kamatayan. Walang itong sinasantong edad. Binabalot ito ng mahika. Hindi mailabas ang lungkot. Hindi kayang suklian ng salita ang napakaraming emosyon na napapaloob sa isang taong nawalan.
Siyang wala nang malay ay mananatiling nakahiga. Wala nang pakiramdam. Wala nang problema. Hindi na makita ang bakas ng kahapon at napagdaanang hirap. Walang pagsisisi sa guhit ng mukha. Iniwan na niya ang mundo.
Silang mga nakasilip sa ataul ay hindi matiyak saan pa huhugutin ang lakas upang magpatuloy. May pighati. May kirot. Maraming hindi nasabi noong may kakayahan pa ang mahal na makarinig at makaramdam.
Sa dalawang panig ng nagmamahalan, sino sa kanila ang may panghihinayang? Napakahaba ng isang oras upang sabihin sa mahal natin ang ating tunay na nararamdaman. Ngunit napakaikli ng maraming taong pamamalagi niya sa ating mundo upang hindi natin masabi iyon.
Hyyyy... life... ang hirap i-spell... tsk... I hate topics about death. I hate death actually... I dunno why pero sa tingin ko, dapat talagang sulitin ang lahat habang nabubuhay pa... Kung hind man masulit at maunahan ni kamatayan, keri lang. Why worry? hayaan na natin ang mga buhay na mamroblema...
This is a well written post!
Umiiyak ako noong sinusulat ko 'to. Pinagalitan kasi ako ng tatay ko kasi ayaw kong um-attend sa libing ng lola ko. Mas pipiliin ko pang manatili buhay sa alaala ko ang lola ko kaysa makita siyang binabaon sa huli niyang hantungan.
Death no matter its cause, is always a sad story.
I always write topics about death siguro lampas na ng lima medyo morbid pero ang daming pwedeng iexplore tungkol sa death. Tama na death is always a sad story pero mas nakakalungkot yata 'yung buhay ka pero daig mo pa ang patay dahil sa sari-saring sakit na nararamdaman literal man o hindi. Magpapadagdag pa sa lungkot 'yung wala kang magawang paraan para sa mahal mo sa buhay, doble sakit 'yun para sa'yo at sa mahal mo mismo.
Punong-puno ng misteryo ang kamatayan, ano ba ang misteryo sa likod nito? Ano ba ang dapat nating abangan? Marami ang natatakot sa kamatayan pero alam ko isang araw lahat tayo hihilingin natin ito darating ang punto na lahat tayo ay mapapagod, mananawa at nanaising magpahinga...habangbuhay.
Sa rami ng pasakit na ibinibigay sa atin ng mundo, marahil marami na rin ang sumigaw na kunin na lang sila ng lupa. Tama a, sir Limarx. Mahirap ang mabuhay na parang patay. Mahirap hintayin ang kamatayan habang dilat na dilat ka sa mga pangyayari sa paligid. Higit pa roon, nakamamatay ang masaksihan ang mga mahal natin sa buhay na umiiyak, naglulumpasay, humahagulgol nang dahil sa'tin. Para saan pa nga't hihilingin pang mabuhay ng mahaba, kung sa tingin natin ay nagawa na natin ang nais noon pa. Pwera na lang kung tumunganga lang tayo noong napakarami pang oras? :)
Kaya madalas kong marinig ang advice na Live each day as if it were the last. Panic mode ka maghapon pero parang OK rin kasi magagawa mo ang mga totoong importanteng bagay sa buhay...
Lahat ng sasabihin, dapat nasabi na. Lalo ngayon, sobrang napakaraming nangyayari sa paligid. Tama ka, lahat ng gagawin natin, dapat nakaayos sa kahalagahan nito. Kung hindi mabigat, hayaan muna, bitawan dahil may naghihintay na mas nangangailangan ng kalinga. Ansabeeee?
Maulan! Ingat, sir glentot!