Isang araw sa panahong panalo na ang mundo laban sa COVID-19, malugod akong nagtungo sa paaralang pinapasukan. Kagubatan ng malulusog na pagbati at ngiti mula sa mga bata ang bumungad. Maganda ang araw. Bago na ang gawi ng daigdig.
Sa loob ng opisina, habang hinahanda ang mga gamit na dadalhin sa silid-aralan, napahiyaw sa sakit ng dibdib ang isa sa kapwa guro. Kumapit sa mga bagay na malapit. Mahigpit. Tumingala. Namilipit. Namuti ang mata. Nagkagulo. Hindi malaman ang gagawin ng mga guro sa paligid.
Nawalan ng malay si Ginang Salamares. Isang guro ang kumapa, wala nang pulso, hindi na humihinga. Samantala, may isang naglakas-loob, kumuha ng ammonia, pinaamoy. Napakatagal. Banayad na tumulo ang pawis sa mga nakapaligid. Tahimik na naghintay. Halos walang kumikibo.
Namulat. Nagulat ang buong populasyon. Ngunit may iba sa gawi ng ginang. Wala sa ulirat. Natataranta. Hindi mapakali. Mayroong nais gawin na hindi mahanap, hindi makuha.
Kumapit muli sa dibdib, sa ulo. Madiin na sinabing, ayaw ko nang maging guro. Lilibot muna ako sa Pilipinas, pagkatapos, babalik ako.
Sigurado ang ginang sa sinambit. May galak. Punung puno ng pag-asa. Mula sa pagkamatay, nagising na may determinasyong tuparin ang matagal nang sinasambit na pangarap.
Zombie na nga bang maituturing si Ginang Salamares? Namatay at nabuhay muli. Ngunit sa halip na tao ang nais kainin, bigla siyang naging gutom na makamit ang kanyang minimithi.
Kaya pala sa mga pelikula, pinakikitang utak at puso ang gustong kuhain at kainin ng mga zombie, naroroon kasi lahat ng ating gusto sa buhay.
- Panaginip noong ika-14 ng Mayo, 2020