Martes, Enero 31, 2012 sa ganap na 2:07 PM sinalpak ni tadong daniel 0 Comments

makulit na inusig ni albert ang driver ng kanilang patrol cab upang bilisan nito ang pagpapatakbo patungo sa may hostage taking sa maynila. mahirap na baka matapos na ang aksyon samantalang sila ay bumabyahe pa lang. hala kuya, nagla live na yung kabilang station don. 
batikan si albert sa field reporting. halos isang taon na niya itong gawi mula noong malipat siya sa isang dambuhalang istasyon. bagama’t nakakapagod an tumakbo kung saan saan ay nakakayanan pa rin ni albert makapaghatid ng mga impormasyong nais ng mga manunuod. may mga araw na paparoon siya sa sta. mesa, maya maya nama’y tatawag ang kontak niya sa isang lugar sa caloocan, o di kaya pinatawag siya upang mag update ng weather sa PAG ASA. malawak kasi ang beat na ibinigay sa kanya ng boss ng news and current affairs.
bukod sa makita ang mukha niya sa tv ay matagal nang pinapangarap ni albert ang maging reporter at commentarist sa tv man o sa radyo. dahil baguhan sa industriya, kailangan niyang magtiis at magpasikat sa mga nakatataas. lalo pa noong naupo siya sa isang talk ni ted failon, mas naging pursigido siya sa pagtatrabaho. lagare na ang ginagawa nito. wala na siyang pinapatawad maging ang mga balitang halos hindi naman qualified sa balita. 
isang kambing sa batangas, lima ang paa at walang balbas… ako si albert pumapalo sa pagpapatrol. matapos ang kaniyang live feed sa kambing ay nakatanggap siya kaagad ng tawag mula sa kaniyang ina. kinukwestiyon nito ang unti unting pagkawala ng sense sa mga nilalahad sa harap ng telebisyon.pero ma, kailangan malaman ng tao ang mga nangyayari sa paligid nila. maliliit man o malalaki. sikat man o hindi. ang makapagbigay ng information ang trabaho ko. 
unang unang nakalagay nakalagay sa journalism’s code of ethics sa Pilipinas na  ”I shall scrupulously report and interpret the news, taking care not to suppress essential facts or to distort the truth by omission or improper emphasis. I recognise the duty to air the other side and the duty to correct substantive errors promptly.” kaya ito na rin ang pinanghahawakan ni albert sa tuwing nahihirapang isakatuparan ang misyong kinabibilangan ng kompanya. naglilingkod umano kahit nasa sulok ng mundo. ma, baba ko na ‘to ah? iidlip lang ako sandali habang wala pang nangyayaring pwedeng ibalita. 
matinik pa sa trained dog ang pang amoy ni albert pagdating sa paghahanap ng mga balita. nakakalimang labas din siya kung minsan sa magdamag kapag nagkataong maraming krimen ang naabutan. raid ng mga namemeke ng dvd, rape, patayan, salvage at kung anu ano pang mga balita. halos wala na siyang pinili. 
isang araw napatakbo si albert sa isang condo sa ortigas, napabalita sa kaniya na may pamilyang malapit nang maghiwalay. nag aaway dahil sa nawawalang wedding ring. first time magkaroon ng exclusive report si albert kaya tulo laway itong pumindot sa elevator paakyat, nanginginig pa. hinanda na rin ni albert ang kaniyang 3G na phone para kung sakaling hindi makahabol ang crew ay siya na lang ang kukuha ng footage.
pagkalapag pa lang sa 5th floor ay dali daling pumunta si albert sa may pwestong may mga nag iiyakan. rinig ito dahil tahimik sa building at ito lang ang gumagawa ng ingay. in-on ang cellphone, tinutok muna niya sa sarili, nagbitaw ng kaunting spiel patungkol sa nangyayari sa lugar kung nasaan siya. matapos nito ay hinarap niya ang cam sa lalake.
sir ang dahilang ba ng pagkawala ng singsing kasi naiwan niyo yon sa bahay ng babae niyo? totoo po ba? hindi siya pinansin ng lalake, sa halip ay tumingin muli sa kasamang babae. huminahon ang boses ng lalake. kinausap ang babae, tila ayaw lumala ang problema kahit alam niyang bukas na bukas din, lalabas ito sa telebisyon.
bukas tayo mag usap. pakiusap nito sa babaeng kasama. saka humarap kay albert suot suot ang mukhang tila nang aasar. sinasabi ng hitsura nya na walang mahihita ang reporter sa kanilang dalawa. ma’am sa tingin nyo po may babae si sir? ilang beses niyo na tong nahuli? isang hagulgol ang isinagot ng babae kay albert. malaman. nakakita si albert ng opening mula sa nakitang eksena. 
ilang taon na po kayong nagsasama? susog pa nito sa babaeng walang tigil sa pag iyak. mapapansin sa babae ang lubos nitong pagkabata sa lalakeng kasama. alam po ba ng mga anak ninyo ang nangyayari? 
anong bang gusto mong mangyari? magkapatid kami! sinanla niya yung singsing ng mama namin. ngayon hinahanap na yon ng mama! 50/50 siya ngayon! gusto mo ng balita? gusto mo? akmang tatayo ang babae at pupunta sa kusina. kumuha ng kutsilyo. tumawag ka ng ibang reporter! bukas ikaw na ang ibabalita nila! 
napaatras nalang si albert sa kanyang mga narinig na rebelasyon. hindi niya inasahan ang mga sumunod na mga nangyari. umalis ka dito! huling sigaw ng babae bago pa kumaripas ng takbo itong si albert. gusto niyang batukan ang sarili sa katangahang nagawa niya sa ngalan ng trabaho.
ano bang nangyayari? tanong nito sa sarili. pumitik sa isip niya ang sinabi ng kaniyang ina kamakailan lang. naiinis siya sa sarili niya dahil hinayaan niyang trabahuhin siya ng kaniyang trabaho sa halip na siya ang trumabaho rito. 
umuwi siya sa kanilang bahay, nagkulong sa kwarto. gusto niyang hanapin ang sarili. ang dating albert na tuwang tuwa kahit na isang labas lang ang report niya sa telebisyon. babalik na siya. gusto niyang muling maging produktibo. magkaroon ng sense. 
naisip niyang basahin ang credo ng journalism. basahin muli ito. isabuhay. sa pangalawang numero pa lang nito ay napatigil na siya sa kanyang nakita. malamang ito ang nakalimutan niya. sa pag papatuloy nakita niya ang pang apat sa credo. 

Lunes, Enero 30, 2012 sa ganap na 1:39 PM sinalpak ni tadong daniel 0 Comments

tang ina! ang galing nito ah! sabi ni albert sa kaniyang sarili matapos nitong basahin ang kaniyang mga nakaraang gawa. underground writer ang taguri niya sa kaniyang sarili. gustong gusto niyang magsulat ng kung anu anong nakikita niyang interesante ngunit hindi at ayaw niyang humikayat ng mga mambabasa. basta lang. sunod na sabi niya nang hingan pa siya ng paliwanag dito. tama na ang magalingan ako sa sarili ko. 

nais din niya ang naparaming binabasa kaya ginagalugad niya kahit saan mapadpad na lugar makahanap lang ng babasahin. minsan nga'y napahinto pa siya sa ilalim ng puno ng manga upang magbasa eh. doon kasi tinawag si albert ng pagkakataon. sa skwela, sa banyo, sa kahit saan dahil alam niya na ang pagbabasa ay malaking ambag sa kaniyang pagkatuto at pag unlad.

Linggo, Enero 29, 2012 sa ganap na 1:43 PM sinalpak ni tadong daniel 0 Comments

lumilipad, nasaan itong isip?
nadapo, dinadala ng ihip
nitong hangin pilit humihirit
paparoon, nawawala sa silid.
bakit kailangan pilitin?
sentido ‘wag nang pigain
pagod na, tara na’t limutin
dalhin kahit saan papangarapin
adobong ulam sa bahay nakahain
lalamunan pahapyawan ng inumin
pakiusap pagbigyan na natin
nagngangalit na’t baka sikmurain
lalanghapin ng libre ang pekeng hangin
titingin sa mga nagmamahalang bilihin
gusali ito ng mga sosyaling tao
oh, bakit ba napayagang dumayo?
mga fish kalalansa
feeling matalino ambisyosa
matuto ng ibang lengwahe
taas forehead mag-walk sa kalye
sa bayang hindi maalam
imbitado’y kakaunti lamang
hindi mawari daming kayabangan
takip mukha ako’y nabibilang
ay! nagising na ang diwa
paglalakbay naudlot nang bigla
pinitik ng katabi, nangiti
natapos na pala ang klase.

Sabado, Enero 28, 2012 sa ganap na 5:56 PM sinalpak ni tadong daniel 0 Comments

August 15, 1991, pinanganak ang isang batang nagngangalang tadongdaniel sa maynila. Malaki ang ulo nito ngunit hindi tulad ni Rizal na sinabihan ng pareng nagbinyag sa kaniya na “pangalagaan niyo ang batang ito dahil balang araw ay magiging dakila ito”

bata pa lang siya ay hinuhusgaan na siya sa kaniyang pagkatao dahilan na siguro sa kaniyang pangalan. Pambabae umano ito. sanay na siya dito kaya minsan pabiro na lang nitong sinisisi ang doctor na nagpaanak sa nanay nya, “mali kasi ng spelling ng pangalan ko un mokong na doc ng mama ko eh”

senior student sya ngayon sa PUP sa kursong Bachelor in Banking and Finance. Hoping and praying na grumaweyt ngayong school year. Very positive na tao si Daniel. Ngunit hindi nito maiwasang sumimangot sa oras na hindi mangyari ang kaniyang mga ideas o atleast, mapakinggan man lang ito.

noong hayskul siya natutong magsulat, journalism ang subject na pinili niya sa halip na TLE. Mas masarap kasi ang magsulat kaysa sa pamumukpok. Mas masarap makita ang mga sinulat kaysa sa mga dusta mula sa linagare mong mga kahoy. Napasabak na din siya sa mga contest kaugnay ng pagsusulat, editorial writing sa katunayan. Pero hindi siya kailanman nanalo mula dito. Natatawa na lang siya tuwing naaalala niya yaong topic na binigay sa kanila nung araw ng contest, ang pagbubuntis ni kris kasabay ng kontrobersiya na nangyayari kay james yap ukol sa pambababa nito. Wow!

Lahat ata ng sports napag try out an niya noong sya pa ay nasa elementary at hayskul pero ni isa wala siyang naging bisyo dito. Kahit ang DotA noong hindi pa ito sikat ay sinubukan na niya itong laruin. (sports daw yan haha) sayang lang sa pera eh!

Galling lang sa typical na pamilya si Daniel, economics speaking, kaya nais niyang ang bawat pagbitaw nya ng sentabos mula sa kaniyang magulang ay maging kapakipakinabang. Minsan na din siyang binansagan ng kaniyang mga kaibigan na kuripot. Sa mga galaan, hanap niya ay laging libreng pamasahe mula sa nagyaya sa kaniya. Kapag hindi nakamit ang kaniyang kondisyon, bye gala! kapal ng muka niya.

Ayaw niyang malungkot ang mga tao sa kaniyang paligid. Kaya kapag dramahan ang nagaganap ay pilit siyang humahanap ng banat upang gumaan ng loob nito. Kung siya naman ang may problema, mas pinipili nitong tumahimik at hayaan na lamang ang iba ang makapansin. Matagumpay siya dito, dahil ni minsan hindi nila nahalatang malungkot si Daniel. Suot niya lagi ang kaniyang maskerang nakangiti. Sanayan lang naman yan.

Dati sa tumblr ay parang kalat lang ang nakikita niya. Kapatid niya ang unang nakadiskubre dito. Puro scroll lang ginagawa at mga pictures ngmga artista, nature at pagkain ang tangi niyang napapansin kaya kadalasan ang panlalait niya sa mga blog site na to. Nagdadalawang isip siyang sumali dito ngunit dahil na din sa peer pressure, haha, ay nagawa niyang gumawa account, eto siya ngayon, prinapractice ang tamang tipa sa keyboard, sinasanay ang puso sa mga nakikitang pagbabago, anu daw?, at hinahasa ang isipan sa mga probabilidad ng pagkatuto.

Kung naghahanap ng pag unlad, lumabas ng bahay. Hanapin ang tunay na magpapaligaya ng walang pagkatakot. Tanging pagtanggap, kahit puno ng pagdududa. Sa lahat ng daraanan, kahit maliit man ito ay paniguradong may mapupulot na aral.

    sino ka?

    Larawan Ko
    tadong daniel
    Manila, Philippines
    Balang araw. Mumurahin tayo ng mga halamang pinitas natin. Ang mga dahon nito ay magiging atin na lamang damit. Papatirin tayo ng bundok na iniwanan natin ng mga kinainan matapos nating maglibot sa tahanan niya. Makakainom tayo ng tubig ilog na ginawa natinng tapunan ng basura. Magiging tirahan natin ang pader kung saan tayo umiihi kahit ipinagbabawal. Ang lahat ng isinulat natin sa malinis na pader ay maililipat sa ating katawan, permanente. Maliligo tayo sa pinagtipon tipong mga laway na inilabas natin sa kalsada. Pupulutanin ng mga barkada ang mga upos ng sigarilyong ating ipinitik. Magiging sintigas tayo ng mga trosong walang habas na pinutol. Ngayon ay handa ka na sa pagbuka ng lupa. Lalamunin tayo nito. Gaganti na ang mga inapi. Hindi na sila papayag na habang panahon silang mananahimik. pero joke lang yan, mabait kasi si inang kalikasan. sige diretso lang. matulog ka ng mahimbing.
    Tingnan ang aking kumpletong profile